Home > Family and Me > Araw ng Kababaihan, araw ng unang gupit ng baby ko!

Araw ng Kababaihan, araw ng unang gupit ng baby ko!

March 9th, 2005

For me there’s another event that made March 8 historical beside being the International Womens Day. Yesterday my baby Maia just had her first haircut! Matapos ang isang taon ng pagiging long hair nagpaputol na rin ng buhok ang baby ko. Mabilis ang pagtubo at paghaba ng buhok ng baby ko, sa haba halos matakpan nito ang kanyang mala-anghel na mukha. Masalimuot at pahirapan naman ang proseso ng pag-aayos ng buhok ni Maia. Pumapalag at nagwawala ito kapag inaayos ang buhok nya. Kailangan pang isalang sa DVD ang paborito nyang pelikulang Lilo and Stitch para sya mapaamo.Dagdag pa, dahil sa haba ng buhok nya tinubuan siya ng bungang araw sa leeg at balikat. Kaya nagdesisyon kaming ipagupit na buhok nya.Kaya heto’t maigsi na buhok ng baby ko. Kahit anong klaseng hairdo ng baby ko siya pa rin ang pinakamagandang anghel para sa akin. 🙂

Before and After

Categories: Family and Me Tags:
Comments are closed.