As a rule, they’re punks, but if I was you, I’d watch my back
Kung napanood nyo sa news sa TV kung paano sinalakay ng PNP ang Provincial Capitol ng Ilo-ilo para lang paalisin si Gov. Tupas, tyak mapapamura kayo. Kung sa kalagitnaan na ng video footage ang naabutan mo aakalain mong ang nireraid ng mga PNP ay Kampo ng Al Qaida o di kaya’y mansion ni Tony Montana.
Malinaw na hindi crowd dispersal operation ang ikinasa. Naka-full battle gear, puro mahahaba ang dalang armas, naka CQB formation, trigger ready, galit, sumisigaw, nanlilisik ang mga mata at parang kakain ng tao ang asta ng mga magigiting na pulis.
At sinong mga kasagupa nila? Mga sibilyang walang dalang armas ni kahit nail cutter man lang. Meron pang isa na kahit may entry point na sila ay sige pa rin ang hataw sa walang kalaban-labang glass wall. Tsk, imbes na nagpapogi si kupal para animo magilas na war machine, nagmukha tuloy siyang kasapi ng demolition team ng MMDA…bwahahahaha!
Siyempre pa, ang komento ni Secretary Puno ng DILG hinggil rito ay, makatuwiran lang ang ginawa ng PNP at ika nya, "The policemen … should not be condemned. They should even be commended". Palakpakan. Hala sige, lusob!
Ano kaya magiging statement ni Puno kung sakaling biglang tinopak ang raiding team at naisipang paulanan ng bala ang mga sibilyan sa Kapitolyo!
Paumpisa na nga ang eleksyon…at ang nangyari sa Iloilo ay tila patikim pa lang. Nakikinita na natin kung paano magiging maaksyon ang darating na eleksyon.
(photo taken from Inquirer.net)