Bumuka sa malabong paligid ang mga matang puno
pa ng sapot mula sa gabi ng pagtulog.
Ininat ng hikab ang mga antok na yapak
sa malamig na sahig. Pupungas-pungas sa
kinakailangang pagtimpla ng mainit na kape.
Mapapaso ang dila, gigisingin ang diwa.
Masarap pa sanang bumalik pikit at mamaluktot,
pero umaga na naman. Gising na ang mundong gagalawan.

Pinapaliguan
ng liwanag mula
sa mga poste ng ilaw
ang Kalye Unida
sa gabing mapanglaw.
—
Ika- 21 ng Agusto 2011
Dito walking distance
lang lahat.Malapit ang
palengke,eskwelahan,
sakayan ng bus,jeep at
padyak. Nasa paligid
mga turo-turo, banko
at McDo. Pati 711 nasa
kanto. Tahimik ang lugar
sa umaga. Hindi ka maabala
dahil walang baha.
At sa gabi hindi ka maliligaw
sa mga ilaw na patay-sindi.
—-
July 13, 2011
Baclaran
Hirap maghanap ng bahay.
Nakapaskil sa poste
puro Lipat-Bahay lang.
Hirap maghanap ng bahay.
Walang nakapaskil na
Bahay-Malilipatan.
—–
July 10, 2011
Going round Baclaran
No dogs barking.
No neighbors yelling.
No motorcycles roaring.
A puzzlingly hushed Sunday.
muted. subdued. quiet.
Can’t hear a thing
not even the sun shining.
Nariyan na ang banaag. Pero ayaw pa ring sumilip
ng araw sa likod ng tabing ng mga kulay-abong ulap.
Nahihiya dahil hindi siya nagpakita sa nagdaang mga araw.