Batong bato
Batiin ang Sabado ng umaga
ng malamyang pagbangon.
Kaaya-ayang bagal,
sagadsad ang hakbang ng oras
sa malamyos na galaw ng araw.
Davao City 2.1.2014
Batiin ang Sabado ng umaga
ng malamyang pagbangon.
Kaaya-ayang bagal,
sagadsad ang hakbang ng oras
sa malamyos na galaw ng araw.
Davao City 2.1.2014
Your idiocy is betrayed by your questioning. Nde ito kayang itago ng pilit na pag-eenglis na maragsa at palukso-lukso, mga salitang niluluwa ng dilang gumugulong, tumatambling at nababangga sa exclamation mark sa dulo. Para bang pilit sinusubo sa kausap na ganito dapat mag-englis. Malalaking salita na walang laman kundi mga kabobohang binubuga lang sa hangin. Watching empty-Headstart in the morning makes my coffee taste blunt and stale.
Cotabato City 1.30.2014
Hayaang magliwaliw sa ambon at maligaw sa fog ng masayang kahapon ang aking isipan, at muling lasapin ang dampi ng malamig mong hangin. Hello again, my MSU.
MSU Campus, Marawi City 1.17.2014
Sa panahon ngayon mali nang gamitin sa romantikong pagsasalarawan ang ulan. Hindi ka na magtatampisaw sa saya o mapapasayaw sa ulan, kundi mababaliw ka na sa baha at dulot nitong pinsala, isama mo na pati mga labahang nananatiling basa.
Davao City 1.14.2014
Tinatapos ang weekend sa pamamagitan ng pagpunta sa mall para manuod ng sine, at pagkatapos ay kakain sa Chowking. Konting ikot para busugin ang mga mata at magpantasya sa mga nakadisplay na magagarang paninda, mayapa’y tataya din ng lotto. Pasyal ng mga ordinaryong mortal, salat man sa karangyaan pero walang kapantay ang kasiyahan lalot na’t mahal sa buhay ang kasama. Gabi na, uuwi na para sa kailangang pahinga dahil bukas, banat buto uli.
Davao City 1.12.2014
Ang hirap magbilang ng mga araw na walang kasiguruhan.
Ang magtiis sa mga puwang ng kawalan ng ngayon at bukas.
Kapag delayed ang sahod at paubos na ang bigas.
– Cotabato City, August 8, 2013
Walang habas na karahasan.
Walang katumbas na kasamaan.
Tingnan mo ang mga larawan,
panoorin mo sa TV
mga katawang lasog sa
kalsadang naligo sa dugo
mula sa sumabog na puso
ng mga dumaan lang at
hindi na nakapagpaalam.